Thursday, April 5, 2007

Alternative Youth Summer School (AYOSS)

The Teacher Center of the Philippines is a service institution for education workers and education sectors. It also provides services to out-of-school youth and students.

The Alternative Youth Summer School or AYOSS is a special youth program of TCP together with a progressive youth organization, the Youth for Nationalism and Democracy or YND.

AYOSS offers activities and programs to students and out-of-school youth. The activities are intended to provide venues that would enhance the skills and potentials of the youth for leadership, special skills like theater and arts, writing and the like. The School would also provide inputs that would equip the youth with knowledge of the current social context, basic concepts on economics, and other relevant inputs.

Courses and Activities

This summer we hope to conduct AYOSS courses and activities to the community youth and students of Baguio City and Benguet. The following are the offered topics and activities.

I. CULTURAL WORKSHOPS AND TRAININGS

A. Basic Theatre Arts Workshop (3 days)
B. Advance Theatre Arts Workshop
C. Basic Literary Arts Workshop (3 days)
D. Basic Painting Workshop (4 days)
E. Basic Song Writing Workshop (5 days)

II. Youth Leadership Training (2 - 3 days training seminar)

III. INPUTS

A. The Women Movement and Globalization
B. Cultural Aggression and the Filipino Youth
C. Impact of Trade Liberalization in Philippine Agriculture and Fisheries Sector
D. Agriculture Liberalization and Benguet Vegetable Industry
E. US War of Aggression / War on Terror and the Global Capitalist Crisis
F. Women Talk: General Stationers on Women and Globalization
G. The Displacement of the Working Class: A General Labor Stationers
H. State Repression: Extra-judicial Killings and Anti-Terrorism Bill or Human Rights Situation in the Philippines
I. Election 2007 and Trapo Politics

IV. FILM VIEWING AND FILM ANALYSIS

A. Movies
. 1. Mona Lisa Smile
2. The Magdalene Sisters
3. Inherit the Wind
4. The Pianist
5. The Interpreter
6. In the Time of the Butterflies
7. Beyond Borders
8. Tears of the Sun
9. Sometimes in April
10. I am David
11. Cold Mountain

B. DOCUMENTARIES
1. Focus on the Global South (WTO: Why is it bad for you?)
2. Malaya Lola’s
3. Unconventional Warfare
4. Fishers’ Voice, Fishers’ Voyage

V. EXPOSURE / INTEGRATION

La Union Small Fisher folks’ Community

Mechanics

The inputs would be provided by TCP in coordination with the YND. Most of the activities would be community based, with a host community/barangay youth organization or the SK as co-sponsors. The host organization/co-sponsor would ensure the venue and the target youth participants.

There could also be centralized activities that would be participated in by the youth organizations of the different communities/barangays. This could be in coordination with youth organizations or entities that cover several barangays/communities.

AYOSS will give certificate of participation at the end of this summer program for those who joined all of the activities. AYOSS graduates are maintained by TCP as TCP Student Fellows and could participate in other TCP Youth Programs.

There will be no registration fee for the said activity, but we encourage all participants to contribute anything they wish to give for the outreach programs such as used clothes, pencils and pen or anything that they can for the poor children of the said target community.

Formation of advocacy groups/support groups for the small fisher folks is the concrete output of the exposure-outreach program.

Other than the courses and activities listed, community and school youth organizations could also request other inputs and skills training they need as long as it still falls within the orientation of TCP and YND. Consultations would be done in preparation for the modules for such.

Contact us:

09215533349 - Erickah
09274262368 - Jade
09185912436 - Ruel
09217183220 - Ben
09182086666 - Linda

Email:
tcpbaguio@yahoo.com
yndbbenguet@yahoo.com






Ang Lipunan at Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas


“Ang edukasyon ay laging nagsisilbi sa isang pampulitikang hangarin, isang estabilisadong pampulitikang kaayusan, isang partikular na interes ng uri (sa lipunan).”
(malayang salin) mula sa Pedagogy of the Oppressed ni Paulo Freire.

Ang Lipunan at Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas

Ang institusyon ng edukasyon, tulad ng iba pang organo ng kultura ay nagsisilbi sa pagmintina ng kasalukuyang kaayusan ng anumang lipunan.

Ang silbi nito ay pagtuturo sa mga susunod na henerasyon ng mga kasanayan at kaalaman, mga paniniwala at pagpapahalaga (values), maging pandaigdigang pananaw na siyang susuhay sa pampulitikang kaayusan. Malinaw na repleksyon lamang ng katangian panlipunang kanyang ginagalawan ang umiiral na sistema ng edukasyon at hindi ito maaaring umiral ng hiwalay dito.

Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay sa ganitong balangkas din umiiral.

Noon at ngayon ang mga patakaran at programa sa edukasyon ay nagtitiyakna ang edukasyon sa Pilipinas ay magsisilbing prinsipal na instrumento sa pagpapanatili ng dayuhang paghahari sa bansa at hindi nakatuon sa mga batayang pangangailangan ng lipunang Pilipino.

Tandaan natin na tatlong daang taon tayong nasa kumbento (Spanish Colonial Rule) at 50 taon sa Hollywood (American Colonial Rule) at maging sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ng paghahari ng Imperyalistang Estados Unidos (EU).

Huwad ang ating kalayaan at tayo pa rin ay isang bagong-tipong kolonya; nakatali sa pamamagitan ng mga polisiya at programang pumapabor sa EU na pinapatupad ng naghaharing uri.

Ang neo-kolonyal at mala-pyudal na katangian ng lipunang Pilipino ang siyang pinanatili ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Nagagawang ipatanggap sa mamamayang Pilipino ang pananatiling atrasado, non-industriyal ng ekonomiya habang may maliit na seksyon ng elitista ang nakikinabang sa kutsabahan sa Imperyalistang EU na ang kahulugan at pagdarambong sa likas na yaman ng bansa kasabay ng pagiging palengke nito at pinagkukunan ng murang lakas paggawa.

Ang ganitong sistema ng edukasyon ang siyang sumisira sa buhay at kinabukasan ng kabataan at mamamayang Pilipino. Hindi mapakinabangan ang lakas at talino ng mamamayan sa ganitong kairalan. Kaya’t sinasabi nating may krisis ang sistema ng edukasyon at ito’y lalo lamang lumalim at tumitindi sa pagdaan ng panahon.


Ang Krisis ng Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas

Bilang Komersyalisado

Kahit saan ka mag-aral, pribado man o sa mga pampublikong pamantasan, napakamahal na kalakal ang edukasyon.

Sa madaling salita, ang edukasyon sa Pilipinas ay para lamang sa may kakayahang magbayad: isang komoditi (commodity). Kumakalam ang sikmura ng pamilyang Pilipino sa pagtitipid, mapag-aral lang ang anak.

Batay sa 2002 UN Human Development Indicators, napakataas ng ating literacy rate (tantos ng marunong bumasa at sumulat): 95.3% at umaabot 82% ang pinagsamang enrollment ratio mula primary hanggang tertiary.

Sa kabila ng mga datos na ito nananatiling mababa ang kalidad ng edukasyon sa kabuuan. Nanatiling napakaliit ng ginagastos ng gobyerno sa edukasyon, halos P 20/day lamang estudyante kumpara sa iba pang bansa sa Asya.

Ayon sa National Statistics Office (NSO SY2003-2004) ang bawat pamilyang Pilipino ay gumagastos ng P6,844/estudyante sa buwan pa lamang ng May-June kung saan ay panahon lamang ng pagbubukas ng klase. Tinatayang ang pamilyang Pilipino sa buong bansa ay gumagastos ng P76.1B para sa edukasyon kung saan ang 2/3 nito na 53.4B ay napupunta lamang sa pambayad ng nagtataasang tuition fee.

Malayo na sa pagiging batayang karapatan ng lahat ng kabataang Pilipino ang tinungo ng edukasyon. Nag dudumilat ang mga kasalukuyang datos at statistics na nagpapakita ng mulat na pagsisikap ng estado na iabandona ang responsibilidad nito sa edukasyon.

Mula ng maisabatas ang Education Act of 1982 ay walang prenong magsi-pagtaas ng matrikula ang mga kapitalistang edukador. Sa nakalipas na pitong taon (1997-2003) ay pumapatak sa 14% ang TFI sa karaniwan para sa mga pribadong paaralan.

Sa mga SCU’s at public schools naman ay patuloy ang budget cut sa subsidyong dapat sanang binibigay ng gobyerno bilang suporta sa kanila. Ang budget cut/taon ay pumapatak sa 10-30%.

Sa hanay ng elementarya ay mas malaking bilang ang pampublikong paaralan kung saan matatagpuan ang 93% ng kabuuang nag-aaral sa elementarya. Pagpasok ng sekundaryo at tersaryong paaralan ay nadodominahan na ng pribado. 85% ng mga Higher Education Institution (HEI) ay pag-aari ng mga pribadong indibidwal at 33% naman ang sa sekundarya. Mahigit 78% ng mag-aaral sa sekundarya ang nagsisiksikan sa pampublikong paaralan.

Ang pagpapabaya ng pamahalaan sa edukasyon ay nagbibigay naman ng malaking ganansya para sa mga kapitalista bilang pamalagiang source ng dambuhalang kita.

Sa katunayan, ang big 8 sa UNIVERSITY BELT ay palagiang nasa listahan ng top 1,000 corporations sa bansa. Samantala, ang mga magulang at mag-aaral ang pumapasan ng bigat sa taun-taong pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin.

Sa patuloy na pagtindi ng komersyalisasyon sa edukasyon, lalong magiging inaccessible ito sa mayorya ng marginalized sectors. Taun-taon rin, dumarami ang mga estudyanteng nagsisipaglaglagan sa mga paaralan dahil sa kawalang kakayahan na abutin ang halaga ng edukasyong kolonyal.

Bilang Kolonyal

Mahalaga ang papel ng edukasyon sa pag-unlad ng bansa at sa paghubog nito ng pambansang kamalayan. Matingkad ang neo-kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa dalawang aspeto: sa kanyang prayoridad na kurso at kasanayan (skills) at sa paraan ng paghubog nito ng kamalayan (‘consciousness formation’).

Mula sa Education Act of 1982 ni Marcos, Education 2000 ni Ramos, Ten Point Agenda ng Philippine Commission on Education Reform (PCER) ni Estrada hanggang ngayon ay walang ibang kahulugan kundi ang patuloy na pagiging sunud-sunuran ng edukasyon sa mga imposisyon ng IMF-WB policies.

Sentrong usapin sa pagpapatupad ng mga programang ito ang pagpupuspos ng liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon sa buong balangkas ng pagpapatupad ng iskemang globalisasyon para maampatan ang lumalalang krisis ng imperyalismo.

Sa ilalim ng banderang ‘global competitiveness’, bibigyang prayoridad ang English, Math at Science. Ang ideya ng global competitiveness ay ang maramihang export ng cheap, docile at English-speaking labor force.

Para tiyakin ito, mag-iimport tayo ng mga dayuhang guro para sa English, Math at Science – Peace Corps Volunteers the second coming of the Thomasites).

Hindi nilalayon ng pokus sa Science, Math at Computer Education ang pagkakaroon ng maraming Pilipinong Scientists na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomya ng bansa. Hindi nito layuning gawing accessible ang mga makabagong impormasyon at teknolohiya sa masang mag-aaral o kaya’y paunlarin ang istandard ng edukasyon.

Ang pokus sa syensya ay sapat lamang upang matutunan ang pag-oopereyt ng mga makinarya at teknolohiya ng mga MNC’s; ang lumikha ng computer literate na lakas-paggawa at magsanay ng ilang potensyal sa larangang ito para pa rin sa kahingian ng mga dayuhang korporasyon.

Ang values formation sa pamamagitan ng WB-IMF sponsored/funded textbooks ay nagpapatingkad ng kaisipang kolonyal at pagiging maamo at masunurin (subservience).

Pinalalalim ang mga kaisipan, gawi at aktitud na susuhay at magbibigay-katwiran sa mapagsamantala at mapang-aping kairalan.

Bilang Pyudal at Reprisibo

Sinusuhayan ng kasalukuyang mga tunguhin sa edukasyon ang pagpapanatili ng mga pyudal na kaisipan at gawi.

Mahalaga ang mga ganitong kaisipan lalo na dahil ang pwesto ng Pilipino sa buong iskema ng globalisasyon ay bilang maamo at murang lakas paggawa para sa mga dambuhalang dayuhang korporasyon ng monopolyo kapitalista.

Ang pyudal na oryentasyon ng edukasyon ay maiuugat sa realidad na ang iilang makapangyarihan sa lipunan na siyang namamayani sa pulitika at ekonomiya ng bansa na siya ring nasusunod sa usapin ng edukasyon: paano ang alokasyon ng pondo sa edukasyon, mga benepisyo at oportunidad, pagpapagawa ng mga instructural materials tulad ng textbooks, mga curriculum sa lahat ng antas at maging regulasyon ng mga pribado at pampublikong paaralan.

Tulad ng nabanggit, umaabot ang sagarang elitistang kontrol na ito sa paraan kung paano natututo ang bata o anu-anong mga kaalaman (knowledge) ang nararapat nitong makuha na siyang susuhay sa pagmimintina ng kasalukuyang kairalan.

Pwersado ang mga guro, estudyante at maging mga magulang na sumunod sa ganitong kairalan mula sa nakatataas. Hindi sulong kundi isang atrasadong pagtingin na pasibo, di-kritikal at patalistiko ang mahuhubog sa mamamayan.

Kasabay nito ay pagpapairal ng mga represibong batas at patakaran, pinahihigpit ang kultura ng takot at pagsasawalang kibo. Bigyang pansin na mahigit dalawampung taon na ang nkalipas buhat ng ipatupad ang Ed. Act. Sa ganitong konteksto natin uunawain ang pamamayani ng ‘culture of apathy, individualist’ sa maraming kabataang Pilipino ngayon.

Bilang Elitista

Ang edukasyon sa ganitong balangkas ay hindi na batayang karapatan kundi prebilihiyo o karapatan lamang ng ‘privileged few’. Nagmistula na itong mahal na produkto o commodity. Batay sa statistics, sa bawat 100 mag-aaral sa elementarya, 20 lamang ang nakakapagpatuloy sa kolehiyo, at 14 lamang ang makakapagtapos.

Pangunahing dahilan dito ang pagtindi ng kahirapan at kawalang kakayahan ng mayorya na makakaangkop dito. Sa 14 na makapagtatapos sa kolehiyo, 5 lamang ang makakukuha ng trabaho at ang iba pa ay madaragdag na naman sa malaking hukbo ng lakas paggawa na walang hana-buhay.

Walang batayang pagbabagong nilikha at lilikhain ang patuloy na pagpapatupad ng Ed Act at Educ 2000.

Wala itong ibang layunin kundi ang pagsilbihin ang edukasyon bilang isang cultural machinery para patagusin ang paghahari at tiyakin an interes ng dayuhang monopolyo kapital (cultural aggression).


Tungo sa Alternatibong Edukasyon

Ang paghahangad para sa isang alternatibong sistemang pang-edukasyon ay nagsimula mas maaga pa sa dekada sisenta.

Pinatunayan na ng mga pag-aaral na ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay hindi umaangkop sa kalagayan ng bansa sa halip ay nagbibigay katwiran lamang sa kasalukuyang kaayusan neo-kolonyal at mala-pyudal.

Ang paghahangad para sa pagkakaroon ng alternatibong edukasyon kung gayon ay pagsasabuhay ng pangarap ng buong sambayanan na kamtin ang katarungan, kalayaan at tunay na demokrasya. Ang edukasyon ay kongkretong sandata upang kamtin ang pambansang hangarin.

MAKABAYANG EDUKASYON

Ang edukasyon ay nararapat na may matibay na komitment at pagkatig sa interes ng buong sambayanang Pilipino bilang isang bansa at mamamayan nito. Ito ay nangangahulugan ng pangingibabaw ng interes ng mas nakararaming mamamayan at interes ng bansa kung kaya tinututulan at nilalabanan nito ang anumang porma ng dayuhang pakikialam at pagdikta sa buhay ekonomiya, pulitika at kultura na mamamayan.

SYENTIPIKONG EDUKASYON

Ito ay ang edukasyong naglilinang ng pagkamalikhain at kritikal na pag-iisip alinsunod sa ibayong pagpapaunlad ng syensya at ng teknolohiya na magtutulak para sa pambansang industriyalisasyon.

Ang ganitong syentipikong oryentasyon ay napakahalaga upang talikdan at pabagsakin ang pyudal, mali at atrasadong paniniwala at tradisyon na pilit na isinaksak sa mamamayang Pilipino ng kolonyal na naghari sa buong bansa. Sa halip, ito ay magsisilbi para sa pagbubukas ng kaisipan sa mga tunay na kaganapan at kalagayan ng buong bansa.

PANGMASANG EDUKASYON

Ito ay edukasyong tumatangkilik sa mayorya ng mamamayang Pilipino sapagkat ito ay tumutugon batay sa aktwal na pangangailangan ng masa at kung gayon ang anupamang kaalaman na tinataglay ng bawat isa ay tiyak na magsisilbi para sa kapakinabangan ng buong bansa.


Oryentasyon ng Youth for Nationalism and Democracy

Introduksyon

Ang Oryentasyon ng YND ay naglalayon bigyan ang mga nagnanais sumapi / interesadong mga kabataan ng isang panimulang pag-alam sa nilalayon ng YND bilang isang samahang may pampulitikang balangkas.

Ang ibang mga paksa tulad ng Kasaysayan at mas masaklaw na pag-intindi sa Krisis sa Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas (Education Crisis) ay mas komprehensibong tinatalakay sa iba pang kurso/aralin. Hindi nilalayon ng dokumentong ito na palitan ang mga kursong nabanggit.

____________________

I. Teoretikal na Balangkas

Bago mag-isip ang tao ng ibang bagay, kailangan niya munang mabuhay o mag-isip ng ikabubuhay sa araw-araw. Ito ang saligang kondisyong nagbubunsod sa aktibidad ng tao at ng lipunan.

Natatamo ng tao ang kanyang kabuhayan sa pakikipag-ugnayan sa iba pang tao upang makitungo sa kalikasan o ang proseso ng paggawa. Sa ganito, makalilikha ng relasyong panlipunan (social relations) sa pagitan ng mga tao. Ang pag-uugnayan ng mga tao sa produksyong panlipunan ang tinatawag na RELASYON SA PRODUKSYON. Tinatawag namang PWERSA SA PRODUKSYON ang mga tao, kagamitan at teknolohiyang kasangkot sa produksyon. Ang kabuuan nito ang tinatawag na istrukturang pang-ekonomiya ng lipunan o sistema ng produksyon o MODA NG PRODUKSYON.

Ayon kay Karl Marx
[2]: ang pananakop ay maaring tumungo sa alinman sa tatlong resulta. Maaring ipilit (impose) ng bansang mananakop ang sarili nitong moda ng produksyon sa mga mamamayang sinakop nito; o maaring hindi nito pakialaman ang lumang moda ng produksyon at maging kuntento na lamang sa tributo (tribute) o magaganap ang interaksyon na magbubunga ng isang bagong sistema bilang sintesis o langkapan.

Neokolonyal-malapyudalismo ang kaayusang panlipunang umiiral sa Pilipinas sa kasalukuyan. Ito ang sistemang inilitaw ng mahabang kasaysayan ng kolonyalismo tulak ng paglitaw, pagyabong hanggang pagrurok ng kapitalismo sa pinakamataas na antas nito, sa imperyalismo. Ito ang sistema ng interaksyon ng imperyalismong US sa dinatnang kaayusang malapyudal sa Pilipinas noong 1899. Ang sistemang patuloy na binibigyang buhay ng lugar ng Pilipinas bilang neokolonya sa pandaigdigang pag-iral ng imperyalismong US.

II. Kasaysayan ng Sistema ng Lipunang Inilitaw ng Mahabang Kolonyalismo

Bago pa man dumating ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan noong 1521, may matatagpuan nang hiwa-hiwalay na komunidad na may iba’t- ibang antas ng pag-unlad. Tatlong tipo ang matatagpuan: ang mga sultanatong naitatag sa bahagi ng Mindanao at Sulu, ang mga barangay sa maraming baybay- ilog at baybay-dagat sa mga pulo ng Luzon at Kabisayaan, at ang mga komunidad na nasa iba’t-ibang antas ng pag-unlad bilang tribu sa , kabundukan at ibang baybay dagat.

Pyudal ang sistemang umiral sa mga sultanato. May isang antas na ng kaunlaran sa pagsasaka at paghahayupan,may produksyong artisano na makikita sa mga gamit sa bahay, katawan,pamproduksyon at pandigma. May pakikipagkalakalan sa Tsina at sa iba pang katabing bayan.

Ang mga barangay na siyang nakararami ay may kaayusang mala-komunal at mala-alipin. Pinamumunuan ang mga lipunang ito ng datu at ng kanyang pamilya.

Sa kabilang banda may mga komunidad na nasisimula ng mamirmihan magtanim at maghayupan habang ang iba nasa antas pang pangangalap at pangangaso at di pa namimirmihan.(nomadic)

Nasakop ng kolonyang Espanyol ang mga barangay sa pamamagitan ng dahas at kumbersyon sa katolisismo. Sinailalim sa isang sentralisadong kapangyarihan. Kolonyal na pinangasiwaan ng isang gobernador heneral na Espanyol na tuwirang nananagot sa hari ng Espanya. Ito ay tinatawag na
Economienda - pabuyang lupain sa mga tapat na opisyal, prayle at kleriko. Ang mga principalia o mga lokal na katutubong lider na nakipag kutsabahan sa mga Espanyol ang katulong sa pangangasiwa sa mga gobernador.

Sa unang 200 taon nanatiling posteng daanan ng kalakalan sa pagitan ng Tsina at Mexico at huthutan ng yaman. Sapilitang nangolekta ng tributo, bahagi din ito ng sapilitang paggawa (polo) para sa gawaing publiko (obras pias) tulad ng paggawa ng simbahan, kalsada,bahay pamahalaan atbp.
Sa huling 100 taon ng pananakop ng Espanya ay nabasag ang klasikong pyudal na kaayusang umiral sa loob ng nakaraang 200 taon. Ang produksyong ng produktong panluwas-asukal (tubo) ,kopra at langis (niyog) fiber (abaca at maguey ) at tabako ay sinimulan noong huling bahagi ng 18 siglo. Pormal nang binuksan ang Porto of Maynila sa pandaigdigang kalakalan, makaraan ay isinunod ng 6 na iba pang porto ng bayan.

Niligalisa ang pribadong pag-aari. Pinalitan ng Asyenda ang Ecomienda at sinistematika ang buong operasyon kolonyal na gobyerno mula pambansa hanggang antas baranggay. At pinalitan ng sedula ang tributo sa hari.

Sumigla ang panloob at panlabas na kalakalal , kasabay nito ang paglitaw ng burgesya at maliit na seksyong proletaryo. Tuwirang idinugtong ng pangyayaring ito ang sistemang panlipunang namuo sa kapuluan at ang mga mamamayan dito, sa kapitalistang kaayusang nangibabaw na sa Europa at Hilagang Amerika.

Nahubog ang pambansang kamalayan sa panawagan para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Sa pagpasok ng kolonyalistang Amerikano pinakitunguhan ang ganitong kalagayan sa pagbibigay ng pagkakataong matuto ng sariling pamumuno sa ilalim ng Amerika ang mga Pilipino pagkatopos ng madugong digmaang Pilipino-Amerikano.

Hinango ang Pamahalaang Komonwelt habang lalong pinaghigpit ang kontrol ng US sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng mga tratado na nagpanatili ng di pantay na kalakalan. Pagkatapos ng WWII binigay ang kalayaan / ang Pilipinas at ginawa na itong neo-kolonya. Nanatili ang kontrol ng US sa ekonomiya at militar habang sinigurado nitong mahusay na tagapagpatupad ng kanyang mga programang sinumang uupo eastado poder.

III. Ang Kasalukuyang Sistemang Panlipunan sa Pilipinas

Ang patuloy na dominasyon at kontrol ng imperyalismong US sa Pilipinas ang nagtatakda sa kasalakuyang katangian ng lipunang Pilipino. Sa kabila ng sinasabing “pagbibigay ng kalayaan’’ at pagtatayo ng isang lokal na estadong hawak at pinangangasiwaan ng mga lokal nagsasamantalang uri sa Pilipinas, nanatili ang kontrol ng US sa ekonomya, pulitika at kultura ng bansa.

Ang imperyalismong US ang siyang nakapangibabaw na pwersa sa lokal na ekonomya at siyang nakapagtatakda ng direksyon ng paggalaw nito. Nagagawa ito bunga ng pagkakatali ng pambansang ekonomya sa isang di pantay na kalakalan sa ekonomya ng US at ng makapangyarihang pusisyon ng imperyalistang kapital ng US sa inog ng ekonomya at maging ng gubyerno sa Pilipinas.

Una, ang produksyon ng Pilipinas ay dinisenyo para sa pangangailangan ng industriya ng US, at pangunahing umaasa dito. Sapul sa umpisa, ang produksyon sa Pilipinas, agrikultural man o industriyal, ay ginagawang dependent sa capital goods industry ng US para sa makinarya, kemikal, panggatong, at iba pang batayang pangangailangan ng industriya.

Sa kabilang banda ang pinatampok na produksyong ay yaong mahigpit na kakawing ng pangangailangan ng industriyang US para sa mga hilaw na materyal tulad ng mineral, kahoy, asukal, langis ng niyog, raber, gayundin yaong ektensyon ng sistema dito ng sub-contracting tulad ng mga pagawaan ng mga kasuotan at kagamitang pang-katawan at mga laruan. Mula dekada 70, tampok na rin ang pagdami ng mga empresa para sa semi-processed goods na muling ineexport tulad ng semi-conductors. Sa madaling sabi, ito’y produksyong magbibigay bentahe sa Amerikanong monopolyo kapital ng murang lakas-paggawa.

Pangalawa, ang Pilipinas ay ginagawang pamilihan ng mga produktong pang konsumo ng industriyang US-sasakyan (Ford, Chrysler, General Motors), gamit sa bahay (G.E), gamit sa upisina (IBM, Apple, Microsoft, Intel), gamit sa katawan (Procter&Gamble, Levi’s, Nike, Pampers, sanitary napkins etc.) at pagkain (chocolate,trigo o wheat, fries, etc.).

Pangatlo, nalikha sa Pilipinas ang isang pinansyal na pamilihan na malalim na nakasandig sa Amerikanong finance-capital ito ang nagdodomina sa lokal na ekonomya sa pamamagitan ng pagpapautang, pagbabangk, insurance, stocks at securities market.

Pang-apat, ang operasyon mismo ng lokal na reaksyuaryong gubyerno ay mahigpit na sinusuhayan ng Amerikanong sa pinansya sa pamamagitan ng pautang at iba’t ibang anyo ng “development aid”. Sa pamamagitan nito, nagagaw ng imperyalismong US na magdikta ng mga patakarang pang-ekonomiya at pampulitika.
Maliban sa papel ng Amerikanong kapital sa pinansyasa pagtatakda ng mga patakaran sa ekonomya, nagagawa ng imperyalistang estadong US na tuwirang makialam sa lokal na pulitika. Ang US ang nagsasanay, nag-aarmas at nagsusustini sa mga pangangailangan ng reaksyunaryong sandatahang lakas, at di bumibitiw na tagapayo nito, ng pinakahalagang haligi ng reaksyunaryong estado. Gayundin, sa pamamagitan ng iba’t ibang mga kasunduan, pasok ang mga tagapayong US sa operasyon ng iba’t ibang ahensya ng gubyerno. Tagapayong nagbibigay-“pabuya” kapag sinusunod; humahaplit ng sinturon kapag sinusuway.

Nagagawa ng mga dambuhalang industriya ng mga imperyalist na tiyakin ang mga patakarang pabor sa kanilang interes sa pamamagitan ng tuwirang panunuhol. Ang pag-iral ng mga lobby groups-tobacco, mining, oil, banking, information technology, etc.- at kanilang malakas na impluwensy sa pagtatakda ng mga patakaran at programa ng lokal na gubyerno ay isang realidad sa reaksyunaryong pulitika sa bansa.

Panghuli, ang mga multilateral na institusyon at organization-IMF, WB, WTO, APEC, ASEAN- na nilikha at kontrolado ng mga imperyalistang kapangyarihan ay naging epektibong instrumento upang bigyang direksyon ang mga patakarang panloob ng bansa.

Ang dominanteng papel ng imperyalismong US sa relasyon sa Pilipinas sa sadyang pinagsilbi sa imperyalistang interes. Walang humpay na ekstraksyon ng superganansya ng imperyalistang amo sa kanyang kolonya ang pamalagiang katangian ng naturang relasyon. Malayong di-hamak ang tantos ng pagtubo ng Amerikanong kapital sa Pilipinas kung ihambing sa kinikita nito sa sariling bayan. Noong 1965, sa datos ng Central Bank, $4 ang inilabas ng mga multinasyunal na korporasyong Amerikano sa bawat $1 na kanilang ipinasok. Noong 1991, $2.97 ang inilabas ng mga dayuhang korporasyong nag-oopereyt sa Pilipinas sa bawat $1 na ipinasok. Ito’y sa panahong ang tantos ng pagtubo ng kapital sa kapitalistang daigdig ay bumaba na sa 12% o $0.12 sa bawat $1!

Ngunit lampas dito, ang neokolonya ay nagagamit ding reserbang pwersa para sa operasyon ng imperyalismong US sa gawing ito ng daigdig. Sa mahabang panahon, ang mga base-militar sa US sa Pilipinas ay nagsilbing lunsaran ngkanyang digma sa iba’t ibang panig ng Asya at ang mga sundalong Pilipino ay reserbang pwersang magagamit sa pakikidigma. Kahit makaraang maipatanggal ang mga base militar, ang parehong interes ay natutugunan sa pamamagitan ng kasalukuyang Visiting Force Agreemant na ngayo’y nais paunlarin sa Military Support and Logistical Agreement (MLSA). Ang Pilipinas, buhat noong 1900 ay baseng tutungan at abanteng poste (advance post) ng pangangalaga sa imperyalistang US na interes sa Asya at Pasipiko.

Ang dominansya ng imperyalismong US ang siyang pangunahing dahilan kung bakit nanatiling atrasado, underdeveloped at dependent ang kaayusang panlipunan sa Pilipinas. Binansot ng imperyalistang diktasyon at elektraksyon ng superganansya ang pag-unlad ng pang-ekonomya, pampulitika at pangkulturang buhay sa Pilipinas at pinanatili itong pangunahi’y nakapirmi sa pre-kapitalistang antas. Di nito pinahintulutan ang akumulasyon ng yaman ng lokal na ekonomya at ang kinakailang pagpapaunlad ng mga produktibong pwersa ng mga relasyon sa produksyon. Pinasaklaw at pinanatili nito ang panginoong lupa (landlordism) alinsunod sa interes para sa mga agrikultural na hilaw na materyal. Ang bansot na kalagang ito sa kabilang banda ang nagpapalawig sa mga pyudal at malapyudal na relasyong dagdag na pinapasan ng mamamayang Pilipino.

Malapudyal at neokolonyal ang kaayusang panlipunan na inilitaw ng pananakop ng imperyalismong US sa Pilipinas. Ang patuloy na dominasyon nito sa buhay panlipunan ang nagpapalawig at patuloy na nagpapainog sa malapudyal na kaayusan. Anumang pagsisikap ng mamamayan sa pagpapaunlad ng bayan ay walang patutunguhan hangga’t ang imperyalismong US ay sagkang nakaharang sa landas ng kanyang pagsulong.


IV. Alternatiba: Pambansang Demokrasya

Niyayakap at sinusulong natin ang pambansang demokrasya bilang pampulitikang linya at wastong landas tungo sa tagumpay ng masang anakpawis npara sa pagkakamit ng kanilang mga kapakanam at adhikain.

Ang pambansang demokratikong pakikibaka ng mamamayan ay pakikibaka ng inaapi at pinagsasamantalang mamamayang Pilipino.

- Ito’y pakikibaka laban sa imperyalismo. Ito’y paggigiit ng pambansang kasarinlan at patrimonya.

- Ito ay demokratikong pakikibaka para wakasan ang lahat ng pyudal at malapudyal na relasyong umiiral.

- Ito’y pakikibaka para lumaya sa pyudal, burges at kolonyal na kultura.

Ang pambansang demokratikong pakikibaka ay kinakailangang yugto sa pakikibaka ng mamamayanpara sa katarungang panlipunan. Ito ang lumulutas sa saligang kontradiksyon ng kasalukuyang neo-kolonyal at malapudyal na lipunang Pilipino. Sa balangkas nito ay maisusulong ng bagong silang na bansang Pilipinas ang mga demokratikong karapatan at ganap na panlipunang paglaya ng masang anakpawis at ng buong sambayanan.

Ang pambansang demokratikong pakikibaka ay isinusulong ng lahat ng demokratikong uri ng sektorsa lipunang Pilipino.

Ang mga manggagawa at mala-manggagawa sa kanayunan* at kalunsuran (* ang maralitang magbubukid, mangingisda, manggagawang bukid/palaisdaan ay itinuturing na mala-maggagawa sa kanayunan) ang pinakamarmi sa lipunan – sila ay 83% ng populasyon. Sila ang pinakaapi at pinaka-pinagsasamantalahang uri, sila ang pinakamalawak at pinakamaasahang baseng tagapagtaguyod ng pambansa- demokratikong pagbabago.

Itinakda ng kasaysayan ang pinakaabanteng uri ng manggagawa- ang uring may pinakaabanteng karanasan sa produksyon, armado ng pinakasiyentipikong ideya, at may pinakamalayong pananaw sa pagbabago ng lipunan. Ang uring ito ang karaptdapat na mamuno sa pakikibaka ng mamamayan.

Kaisa ng manggagawa bilang pangunahin at batayang motibong pwersang magsusulong ng pambansa demokratikong pakikibaka ang mala-manggagawa kapwa sa kanayunan at kalunsaran. Ito ang tinatawag na batayang alyansa.

Ang panggitnang magsasaka/mangingisda, peti-burges* sa kanayunan at kalunsuran (* ang inteligentsia – mga propesyunal at intelektual kabilang ang mga kabataang-estudyante at karamihan ng maliliit na negosyante ang bumubuo sa peti-burgesya; sila ang pinaka-progresibong saray ng burgesya) ang malapit na kaalyado ng manggagawa at mala-manggagawa. Sila’y mayroon ding sariling sektoral na interes na hindi kagyat na tunggali sa interes ng malawak na masang anak-pawis. Sila’y maasahang kakampi ng batayang alyansa sa pambansang-demokratikong kilusan sapagkat sila’y inaapi rin sa kasalukuyang sistema.

V. ANG SEKTOR NG KABATAAN

“Only thru militant struggle can the best of the youth emerge. Only by merging with the interest of the masses will the youth realize their role in societal change.”

- SND

Ang sektor ng kabataan ay bumubuo ng malawak na porsyente ng mamamayan ng lipunang Pilipino. Binubuo nito ang humigit kumulang sa 40% o 32M sa edad na 15 hanggang 35 na taon (depinisyon ng UN sa kabataan) ng kabuuang populasyong ng Pilipinas na umaabot na sa 80 milyon.

Likas sa mga kabataan ang kasiglahan ng pag-iisip at pangangatawan. Nasa kasibulan ng pag-iisip at pangangatawan ang mga kabataan na nasa edad na 15 hanggang 25 dahil mayorya sa kanila ay hindi pa tali sa pamilya at produksyon. Ang katangiang ito ay nagbibigay sa mga kabataan ng kakayahang tumingin sa kasalukuyan at maging sa hinaharap.

Taglay din ng kabataan ang pagiging bukas sa mga bagong ideya subalit bukas din ito sa ideya ng imperyalismo at local na naghaharing uri dulot sa pagkalantad nito sa bulok na kulturang inihahain ng lipunan.

Ang kabataan ay tumatagos sa lahat ng uri at sektor ng lipunan. Merong kabataan sa paaralan o kabataang-estudyante, kabataan sa komunidad, kabataang manggagawa, kabataang mala-manggagawa, kabataang magsasaka at iba pa. Kalakhan ng kabataan ay kabilang sa uring anakpawis o mula sa uring manggagawa at magbubukid. Ang ilang porsyento ay nagmumula sa uring petiburges at pambansang burgesya. Ang makauring katangian ng kabataan ay itinakda ng makauring balangkas ng lipunang Pilipino.

Dahil sa kasalukuyang sistema na umiiral sa lipunang Pilipino, ang kabataan kasama ng iba pang uri at sektor sa lipunan ay nanatiling matinding napagsasamantalahan sa pamamagitan ng mga umiiral na relasyon at kasunduan sa kasalukuyang lipunan.

Madami nang kabataan ang napipilitang tumigil sa pag-aaral upang magtrabaho sa bukid at sa mga pabrika. Madami ring kabataan ang napipilitang gumawa ng mga anti-sosyal na gawain sa lipunan upang mapilitang mabuhay dahil ang kasalukuyang gobyerno ay tahasang binibitawan ang responsibilidad nito sa mamayan sa pamamagitan ng pagbibitiw sa mga batayang pangangailangan ng mga mamamayan gaya ng edukasyon.

May mahigpit na tungkulin sa gayon ang kabataan para baguhin ang sistema na lumilikha ng ganitong kaayusang panlipunan.

a. Krisis ng Sistema ng Edukasyon

“The educational system at all levels, including those for a vocation, a profession or a career, services as a conductor for the transmission to students of individualist ideas, neocolonial values, laws and traditions that do not create a liberative consciousness but strengthens rather the ideological and material forces as a support to underdevelopment.”
- Roland G. Simbulan

Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas noon man o ngayon ay nananatiling anti-nasyonalista at anti-demokratiko. Ito ay nananatiling nagsisilbi sa Neo-kolonyal at mala-pyudalismong sistema ng lipunan. Pinananatili nito ang isang sistema ng edukasyon na komersyalisado, kolonyal, pyudal, represibo at elitista upang matiyak ng mga Imperyalistang bansa lalo na ang US ang kanilang interes.

Komersyalisado dahil ang edukasyon ay isa nang komoditi (commodity) o kalakal na para lamang sa mga may kayang magbayad nito. Ito ay nanatili sa kasalukuyan na isang napakamahal na kalakal. Tinatayang sa buwan pa lamang ng Mayo hanggang Hunyo halos P7 000 ang ginagastos ng isang pamilyang Pilipino para sa matrikula (NSO Data May 2003).

Habang kumakalam ang sikmura ng pamilyang Pilipino ay patuloy pa rin nilang iginagapang ang edukasyon ng kanilang mga anak sa pag-asang ito’y magdudulot ng isang magandang buhay. Ngunit masakit mang isipin ang patuloy na pananatili ng mga polisiya ng globalisasyon sa anyo ng pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon gaya ng Education Act of 1982, TFI’s at budget cuts sa mga State colleges and Universities (SCU’S) at iba pa ay naglalayo sa pamilyang Pilipino upang makamtan niya ang tinatanaw na magandang bukas.

Kolonyal dahil sa ang buong balangkas ng edukasyon ay nakaprograma sa iskema ng globalisasyon na pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon para matugunan ang lumalaking krisi ng imperyalismo. Matingkad ang neo-kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa dalawang aspeto: (1) sa kanyang prayoridad na kurso at kasanayan (skills) at (2) sa paraan ng paghubog nito ng kamalayan (consciousness formation). Ang edukasyon sa kasalukuyan ay hinubog para magtustos sa pandaigdigang kalakan ng skilled, semi-skilled, docile, english proficient, computer literate, at cheap labor.

Pyudal at represibo, sapagkat sinusuhayan ng kasalukuyang mga tunguhin ng edukasyon ang pagpapanatili ng mga pyudal na kaisipan at gawi. Pinanatiling kimi, atrasado at palasunod ang mga mamamayan upang di maging sagabal sa pagpapatupad ng mga maka-impeng layunin. Mahalagang mapanatili ang ganitong kaisipan dahil sa mahalagang papel ng mga Pilipino sa pandaigdigang palengke ng mga dambuhalang monopolyo kapitalista na magtustos ng maamo at murang lakas paggawa. Kaakibat nito sinusupil kaagad ng mga nagpapatakbo sa mga institusyon ng edukasyon ang kaisipang mapagkaisa at nagsusulong ng batayang karapatan ng mga estudyante upang matiyak ang pagkakahiwa-hiwalay at pagkakawatak-watak ng mga ito.

Elitista, dahil sa kasalukuyan ang edukasyon ay hindi na isang batayang karapatan, kundi isang pribilehiyo o karapatan lamang ng “privileged few”.


b. Alternatiba sa Kasalukuyang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas



“The education of the Philippines must be a Filipino education. It must be based on the needs of the nation. The object is not merely to produce men and women who can read and write or who can add and subtract. The primary object is to produce a citizenry that appreciates and is conscious of its nationhood and has national goals for the betterment of the country and not an archaic mass of people who know how to take care of themselves only.”
- Renato Constantino

Sa nakaraan at kasalukuyang sistema ng edukasyon na umiiral patuloy na nilulusaw ang pagsusulong ng pambansang demokrasya na magtitiyak ng karapatan at kapakanan ng mamamayan.

Kaugnay nito ay kailangang wasakin ang sistemang umiiral at itaguyod ang isang makabayan, siyentipiko, pang-masa at libreng edukasyon na magtitiyak na naipapatupad ang batayang karapatan ng mamamayan

Makabayan, upang sa ganun ay patuloy na malinang sa sambayanang Pilipino ang ang diwa ng pagiging Pilipino at itaguyod niya ang interes ng sambayang Pilipino. Lilinangin ang isang wika na siyang magiging pundasyon ng komunikasyon ng bawat Pilipino.

Yayakapin ng bawat mamamayan ang diwang makabansa ng sa pagdating ng dayuhang mga ideya na sumusulpot upang gawin at panatilihing atrasado ang Pilipinas ay handa ang mamamayan nito na ipaglaban ang kanyang identidad bilang Pilipino at ang kanyang bansa upang isulong ang pambansang demokrasya.

Siyentipiko upang makapagpasulpot ng mga mamamayang kritikal at may kakayahahang (skills) na magtaguyod ng pambansang industriyalisasyon. Lilikha ito ng mga Pilipinong siyentipiko na magsisimula ng mga industriya at mamamayang kumikilala sa angking kakayahan ng mga Pilipino.

Maka-masa dahil sinasalamin nito ang aktwal na kalagayan ng mamamayan sa lipunan. Kinikilala nito ang pangangailangan ng masa at inilalapat nito ang solusyon na angkop para sa pag-unlad ng mamamayan. Lilinangin nito ang isang sistema ng edukasyon na umaangkop sa pagsusulong ng interes at kagalingan ng masa at sambayanang Pilipino.

Makakamtan lamang ng sambayanang Pilipino ang tunay na katarungan, kalayaan at demokrasya, kung mababasag niya ang kasalukuyang sistema ng edukasyon at lipunan, ang neo-kolonyal at mala-pyudalismong kaisipan. At sa pagtataguyod ng isang alternatibang sistema ng edukasyon na pupukaw sa bawat mamamayan sa kung ano ba talaga ang aktwal na kalagayan at solusyon sa krisis ng lipunan.

V. Ang Youth for Nationalism and Democracy

Ang YND ay tumatayo bilang isang pampulitikang sentro ng kilusang kabataan. Bilang isang pampulitikang sentro, kinakatawan nito ang pinakaabanteng pagsusuri, mithiin at pakikibaka ng kabataan. Nagsisilbi itong pang-organisasyong balangkas ng pagkakaisa at pagkilos ng kabataan upang magampanan nito ang mga tungkulin ng kilusang kabataan asa pagsusulong ng pambansang demokrasya.

Ang YND ay isang pambansa-demokratikong organisasyong masa kung saan bukas ito sa lahat ng kabataang nais kumilos at lumahok sa pambansa demokratikong pakikibaka. Tumatanggap ito ng mga kasapi ng walang pagtatangi basta’t handa niyang tupdin ang prinsipyo, programa at konstitusyon ng organisasyon. Ang pang-masang katangian ng YND ay matitiyak lamang sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga balangay ng organisasyon sa loob ng paaralan at komunidad. Ang mga balangay na ito ang siya ring magtitiyak na ang YND ay malalim na nakaugat sa masa ng kabataang estudyante.

Ang YND ay isa ring aktibistang organisasyon na iniluluwal ng partikular na katangian ng kabataan na likas na matalas sa pulitika, makilos, masigla at madaling magbukas sa ideya. Ang organisasyon ang magsisilbing daluyan upang magsanay ng mga kabataang mahigpit at pursigidong magtataguyod ng simulain at programa para sa pambansang demokrasya.

Puspusang sinasalamin ng YND ang sentral na tungkulin ng kilusang kabataan na pukawin, organisahin at pakilusin ang kabataan para sa pambansa demokratikong pakikibaka; gampanan ang partikular na tungkuling ipalaganap ang programa ng pambansang demokrasya sa pamamagitan ng pambansa demokratikong kilusang propaganda; aktibong lumahok sa pakikibaka ng batayang masa at manguna sa pakikibaka upang makamit ang mga kahilingan para sa kagalingan, karapatan at demokratikong interes ng kabataan.

a. Mga Pangkalahatang Prinsipyo, Layunin at Tungkulin ng YND

Ang mga pangkalahatang Prinsipyo, layunin at tungkulin ng Youth for Nationalism and Democracy (YND) ay nasa balangkas at alinsunod sa pangkalahatang pampulitikang linya, prinsipyo at oryentasyongg pambansa demokratiko.

Itataguyod ng YND kasama ng iba pang demokratikong pwersa ang sumusunod na programa ng pakikibaka:

1. Lansagin ang neo-kolonyal at malapyudalismong kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng paglaban sa imperyalismo.

2. Buwagin ang monopolyo sa lupa. Bawiin ang lupaing kinamkam ng mga asendero at libreng ipamahagi ito sa mga magbubukid.

3. Bawiin mula sa control ng dayuhan at isabansa ang mga pangunahing industriya, kagamitan sa produksyon at tiyakin ang makatarungang pakinabang ng mga manggagawa.

4. Pawiin ang lahat ng sagwil sa kasarinlan. Wakasan ang mga di-pantay na kasunduan at dikta ng mga dayuhang kapangyarihan.

5. Itaguyod ang demokratikong karapatan ng mamamayan. Ipawalang-bisa ang mga batas at kautusang yumuyurak sa karapatang demokratiko at kalayaang sibil ng mamamayan;

6. Palayain ang kababaihan sa lahat ng anyo ng pang-aapi at pagsasamantala at igalang ang pantay na karapatan ng kababaihan;

7. Kilalanin ang karapatan ng mga katutubong Pilipino na paunlarin ang kanilang ekonomiya, kaayusang pulitikal at kultura.

8. Iwaksi ang dekadenteng imperyalistang kultura at atrasadong pyudal na kaisipan at itaguyod ang kulturang bayan, siyentipiko at makabayang pananaw;

9. Itaguyod ang ugnayang panlabas na nakabatay sa karapatan ng mga bansa at lahi. Itaguyod ang paggagalangan at tutulan ang anumang anyo ng panghihimasok sa yaman at teritoryong saklaw ng isa’t-isa.

10. Itindig ang pamahalaang kakatawan sa interes at kapangyarihan ng mamamayan. Buuin sa ubod nito ang batayang alyansa ng manggagawa at mala-manggagawa at ang pakikiisa ng mga magbubukid, kabataan, propesyunal, relihiyoso, makabayang negosyante, at tapat na lider ng bayan.

b. Alinsunod at sa pagtataguyod sa mga prinsipyo at layuning ito, gagampanan ng YND ang mga tungkuling:

1. Isulong ang pambansa demokratikong kilusang propaganda.

2. Isulong ang sektoral na pakikibaka ng kabataan at estudyante, masiglang suportahan ang pakikibaka ng mga guro para sa kanilang demokratikong karapatan.

3. Umuugnay at sumusuporta sa kilusang manggagawa at kilusang magsasaka at sa mga pakilos at pakikibaka ng iba pang pinagsasamantalahan at inaaping sektor ng lipunan.

4. Tumulong sa pagbubuo ng pambansa-demokratikong alyansa at sa pagkabig sa iba pang positibong pwersa.

5. Iugnay ang pambansa demokratikong pakikibaka ng sambayanang Pilipino sa pakikibaka ng mga mamamayan, bansa at nasyunalidad ng daigdig laban sa imperyalismo at likumin ang pinakamalawak na pandaigdigang suporta para dito.

VII. Pang-organisasyong Balangkas

Sinumang kabataan na handing tupdin ang mga paninindigan, programa at Saligang Batas ng organinsasyon ay maaring maging kasapi ng YND. Lahat ng kasapi sa YND ay kailangang magsumite ng membership form na aaprubahan ng kagyat na nakatataas na pamunuan ng organisasyon. Gayundin, kailangang makakuha nag bawat isa pag-aaral hinggil sa oryentasyon ng YND.

Ang balangay ang magsisilbing batayang yunit ng YND. Angng opisyal na balangay ay bubuuin ng hindi kukulangin sa 15 aktibistang kasapi. Bubuuin ito sa loob ng mga paaralan at komunidad kung saan mayroong YND organizing. Kung hindi pa nakatitipon ng sapat na bilang, maaring itayo muna ang OC o Organizing Committee na maghahanda para sa pagbubuo ng ganap na balangay ng YND.

_____________


[1] Inayos ayon sa pinagkaisahan ng INEC noong 2003 na nakabatay sa paglilinaw ng kasalukuyang umiiral na sistema batay sa pananaliksik.

[2] Karl Marx (1818-1883) ay isang Aleman, kasama ng kanyang kaibigang si Friedrich Engels (1820-1895) ay nagdebelop ng isang pampulitikang pilosopiya na tinatawag na Scientific Socialism. Ayon sa kanya, ang kapitalistang sistema ay isa lamang yugto sa kabuuang kasaysayan ng sangkatauhan. Kaiba ito sa burges na pagtingin na ang kapitalistang sistema na ang syang puno’t dulo na ng pag-unlad ng kasaysayan. Likas ang krisis sa kapitalistang sistema dahil tulad ng iba pang sistemang pang-ekonomiya, mayroon itong pag-unlad. Subalit mayroon ding pagbagsak. Sa sinapupunan ng pagka-agnas nito (Imperyalismo bilang huling yugto ng kapitalismo), susulpot ang bagong sistemang panlipunan na iluluwal ng tunggalian ng mga uri.